Russia, tutulungan ang Pilipinas sa laban kontra iligal na droga at terorismo

By Arlyn Dela Cruz May 26, 2017 - 07:52 AM

DUTERTE PUTINMOSCOW – Nangako ang Russia na tutulungan ang Pilipinas sa laban kontra iligal na droga at terorismo, kasabay ng pagpapasalamat sa pagsisikap ng Duterte adminisration na mas mapabuti pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ito ang inihayag ng isang top diplomat ng Russia kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa kanilang bilateral meeting.

Ayon kay Russian foreign minister Sergey Lavrov, ang naging pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow ay nakatulong sa pagpapatatag ng ugnayan ng Pilipinas at Russia.

Bukod dito, nagpahayag din ng kahandaan sa pagtulong ang Russia sa paglansag ng drug trafficking sa Pilipinas.

Pinutol ni Pangulong Duterte ang kanyang official visit sa Russia dahil sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City, pero naiwan sa Moscow si Cayetano para ipagpatuloy ang pagkasa ng mga kasunduan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.