Dating PM ng Greece, sugatan sa pagsabog

By Kabie Aenlle May 26, 2017 - 04:23 AM

 

papademos-afp_650x400_81495730062Sugatan ang dating prime minister ng Greece na si Lucas Papademos matapos sumambulat ang isang explosive device na itinago sa isang sobre sa loob ng kaniyang sasakyan.

Isinugod si Papademos sa ospital kasama ang kaniyang driver na nasugatan din sa insidente na nangyari sa central Athens.

Nasa ligtas na kalagayan naman na ngayon si Papademos ayon sa mga doktor.

Si Papademos ay isang dating central bank chief na naitalaga bilang prime minister noong November 2011, sa kasagsagan ng financial crisis.

Ilang tangkang pag-atake na ang na-monitor ng Greek security laban sa Greek, German and International Monetary Fund officials sa nagdaang dalawang buwan.

Noong Martes naman, isang envelope na naglalaman ng mga bala na ipapadala sana sa secretary general ng Greece ang naharang sa post office branch sa Athens.

Samantala, noong Marso naman ay isang package na naka-address sa IMF sa Paris at German Finance Ministry ang biglang sumabog sa postal sorting center sa Athens, na ikinasugat ng isang empleyado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.