Lider ng Abu Sayyaf at Maute group nasa loob pa rin ng Marawi City

By Den Macaranas May 25, 2017 - 04:55 PM

Marawi8
Inquirer photo

Nananatili sa loob ng Marawi City ang lider ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon ayon sa mga report na nakukuha ng militar.

Sinabi ni Philippine Army 1st Infantry Division Spokesman Lt. Col Jo-ar Herrera na gumagamit na ng helicopter gunships ang tropa ng pamahalaan para mas mapabilis ang kanilang operasyon laban sa mga ASG members at Maute terror group.

Umaabot sa 100 daang mga sundalo na karamihan ay mga kasapi sa special forces ang nagsasagawa ngayon ng mopping up operation sa mga lugar na hinihinalang pinagtataguan ng mga bandido.

Bukod sa mga air assets, nakakalat na rin sa loob ng Marawi City ang mga armored vehicle ng militar para bigyang ayuda ang mga sundalo at tauhan ng Philippine National Police na tumutugis sa mga armadong suspek.

Ipinaliwanag rin ni Herrera na pinaniniwalaang nasa halos ay 50 mga ASG at Maute terror group members ang nasa loob pa ng Marawi City.

Sa pinakahuling tala ng militar ay nasa 21 na ang bilang ng mga casualties sa patuloy na nagaganap na labanan.

Kinabibilangan ito ang pitong mga tauhan ng AFP at PNP, labingtatlong bandido at isang sibilyan.

Nauna nang sinabi ng ilang mga saksi na nakita nila ang mga bandido na papunta sa kagubatan bitbit ang kanilang mga bihag na sibilyan kasama ang ilang mga pari.

Nilinaw rin ng militar na hawak na nila ang lahat ng mga vital installations ng pamahalaan sa lugar.

Mahigpit rin ang kanilang ginagawang checkpoint sa mga lumalabas na sasakyan mula sa Marawi City para tiyaking hindi makakatakas ang mga bandido.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, hapilon, herrera, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao, Abu Sayyaf, AFP, hapilon, herrera, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.