Putin, inimbitahan ni Duterte na magpunta sa Pilipinas
MOSCOW – Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian Pres. Vladimir Putin na magpunta sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano matapos putulin ni Pangulong Duterte ang kanyang official visit sa Russia dahil sa nangyayari sa Marawi City.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Putin kay Duterte para sa imbitasyon.
Sinabi din ni Cayetano na umaasa siyang bibisita si Putin sa bansa.
Inaasahang dadalo si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas sa darating na Nobyembre.
Pero wala pang impormasyon kung maging si Putin ay dadating din sa Manila.
Tatlong beses nang nagkaharap sina Duterte at Putin.. sa Peru, China at panghuli sa Moscow.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.