Satisfaction rating ng Duterte administration, nanatiling ‘very good’ – SWS
Hindi nagbago ang tiwala ng publiko sa pamumuno sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos manatiling ‘very good’ ang public satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa unang kwarter ng 2017, batay sa inilabas na survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa SWS, sa 1,200 adults, 75 percent dito ang ‘satisfied’ o kuntento sa Duterte administration, habang 9 percent ang ‘dissatisfied’ o hindi kuntento at 16 percent naman ang ‘undecided’.
Sa naturang resulta, lumabas na mayroong net satisfaction rating na +66 ang Duterte administration.
Tumaas ito ng limang puntos, batay sa resulta ng 2016 SWS survey na +61.
Sa fourth quarter ng 2016 SWS survey, lumabas na 73 percent ang satisfied habang 12 percent ang dissatisfied.
Isinagawa ang survey noong March 25 hanggang March 28 sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Ang “very good” rating ay nakuha ng national government sa isang paksa o subject na may kinalaman sa pagtulong sa mga mahihirap.
Labin-limang performance issues ang pinagbatayan ng survey na binubuo ng Governance Report Card.
Nasa “Good” rating ang administration sa mga sumusunod na isyu: Science and technology, paglaban sa terorismo, paglalaan ng trabaho, paglaban sa krimen, paglaban sa katiwalian, pagresolba sa extra-judicial killings, foreign relations at peace talks sa rebeldeng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.