Lockdown sa Davao City, lifted na

By Kabie Aenlle May 25, 2017 - 08:48 AM

Sara Duterte1Inialis na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang lockdown na una niyang ipinatupad sa kaniyang lungsod kasunod ng pagpapatupad ng martial law ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinatupad din ito ng alkalde upang maiwasang makapasok ang mga teroristang Maute Group sa Davao City. Sa ngayon aniya ay “hold and secure” na lamang ang status sa Davao City.

Inabisuhan naman niya ang mga residente na umiwas sa mga matataong lugar, pero sinabi rin niya na maari pa namang bumisita sa kanila ang mga turista.

Gayunman, asahan lang aniya ng mga bibisita ang mahigpit na seguridad na kanilang ipinatutupad, at pinaalalahanan niya rin ang mga motorista na laging dalhin ang rehistro ng kanilang sasakyan at valid IDs.

Una nang isinailalim sa lockdown ang Davao City dahil sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na kinailangan i-lockdown ang lungsod dahil doon nakatira si Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.