US, nagpaalala sa mga Amerikano kaugnay ng sitwasyon sa Marawi
Naglabas ng advisory ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan kaugnay ng bakbakan sa Marawi City dahil sa Maute Group.
Ayon sa embahada, wala naman silang impormasyon na may direktang banta sa mga Amerikano ang mga nagaganap sa Marawi.
Gayunman, pinapayuhan pa rin nila ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang mga matataong lugar at manatiling mapagmatyag sa lahat ng oras.
Sa ngayon din anila, sinuspinde muna ang Mission personnel travel patungong Mindanao habang inuunawa pa nila ang sitwasyon.
Muli rin nilang pinaalala ang Worldwide Caution kung saan nakasaad na may umiiral na banta ng terorismo at karahasan laban sa mga U-S citizens sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.