Makararanas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa southwest monsoon o Habagat.
Batay sa forecast ng PAGASA, iiral ang maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa mga rehiyon ng Ilocos at Western Visayas at mga probinsya ng Zambales, Bataan, Mindoro, Palawan at Negros Occidental.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pagbuhos ng ulan at pagkulog/pagkidlat ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang mga pag-ulan na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay senyales lang na pumasok na ang Habagat.
Pero posible aniya na kapag may bagyong pumasok sa bansa ay magdeklara na ang ahensya ng pagsisimula ng rainy season o tag-ulan.
Idinedeklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.