Pope Francis, sinabihan si Trump na maging “peacemaker”

By Kabie Aenlle May 25, 2017 - 04:00 AM

 

Trump_Pope.1910x1000Sa kanilang kauna-unahang pagkikita, hinimok ni Pope Francis si US President Donald Trump na maging isang “peacemaker.”

Pagdating ni Trump sa Vatican City, tumanggap siya ng tribute mula sa mga Swiss Guard sa isang Vatican courtyard.

Matatandaang nagpalitan ng pagbatikos sina Trump at Pope Francis noong kasagsagan ng US election campaign.

Nang magkita sila ni Trump, bahagyang ngumiti ang Santo Papa, hindi tulad ng napakainit na pagtanggap niya sa ibang head of states na bumibisita sa kaniya.

Hindi rin masyadong nakipagkwentuhan ang Santo Papa kay Trump tulad ng ginagawa nito sa kaniyang mga bisita bago palabasin ang media.

Pribadong nag-usap ang dalawa ng 30 minuto kasama lamang ang mga translators.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, mas naging mukhang komportable ang dalawa kung saan binito pa ni Pope si Trump at ang misis nitong si Melania.

Binigyan ni Pope si Trump ng isang sculptured olive tree na simbolo aniya ng kapayapaan.

Tiniyak naman ni Trump na tatandaan niya ang lahat ng mga mensahe sa kaniya ng Santo Papa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.