Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Dangerous Drugs Board dahil sa iba-ibang record na ipinrisinta umano nito ukol sa bilang ng mga gumon sa ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Sa kanyang pagdating sa Pilipinas mula sa Russia, sinabi ni Pangulong Duterte na kanya nang sinibak si DDB chairman Benjamin reyes.
Sa ulat aniya sa kanya ni Reyes, nasa 1.8 milyon lamang ang sangkot sa ipinagbabawal na droga gayung sa kanyang tala ay nasa apat na milyon ito.
Ang 1.8 million ay batay umano noon pang 2015 survey.
Ang tamang bilang ng mga drug addicts sa bana ay ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at PNP.
Giit pa ni Duterte, hindi dapat kinokontra ni Reyes ang pamahalaan dahil isa lamang itong miyembro ng civilian board.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.