“To protect the country I might declare martial law throughout the Philippines if terrorism reaches Luzon”.
Yan ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling umabot na sa Metro Manila o Luzon ang lawak ng galamay ng grupong ISIS at iba pang terorsitang grupo.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kapakanan at kaligtasan ng sambayanan ang kanyang naging batayan sa deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.
Sa kanyang arrival statement, sinabi ng pangulo na hindi niya hahayaang maghari ang kaguluhan at terorismo kaugnay sa ginawang pag-atake ng Maute terror group sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
“Let me assure you that the primary concern is the safety and welfare of our people…. It is our constitutional mandate to enforce the law and provide security”, ayon sa pangulo.
Dagdag pa ni Duterte, “ISIS has arrived in the Philippines, government has to put an end to terrorism”.
Sinabi rin ng pangulo na pwede pang palawigin ang sakop ng martial law kapag nakalabas sa Mindanao ang mga terorista, “I have ordered the military to monitor the waters dividing Mindanao and the Visayas and I might also decide to suspend writ of habeas corpus in Visayas”.
Gayunman ay tiniyak ni Duterte na hindi magkakaroon ng pagsasamantala sa karapatan ng sambayanan, “I will not allow abuses in martial law. The courts are still open”.
Pinayuhan rin niya ang mga nagmamay-ari ng mga lisensyadong baril na gamitin ang kanilang mga armas para ipagtanggol ang kanilang mga pamilya laban sa mga terorista, “if things go out of hand, I will allow Mindanaoans, if you are in possession of licensed guns, you can bring it out of your residences”.
Binanggit rin ng pangulo na magsasagawa ang militar ng mga operasyon kasabay ang suspension ng writ of habeas corpus sa rehiyon, “searches, checkpoints, arrest without warrant will be allowed in Mindanao”.
Kapag nakapasok sa Luzon ang mga miyembro ng ISIS, sinabi ng pangulo na nakahanda rin siyang isailalim sa martial law ang buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.