Philippine Coast Guard nagpadala ng dagdag na pwersa sa Mindanao
Tatlong barko ng Philiipine Coast Guard ang ipadadala sa Marawi City at mga karatig Lugar sa Mindanao para umayuda sa sitwasyon doon kung saan nakataas ang batas-militar dahil sa banta ng terorismo.
Kabilang sa idedeploy ng PCG ay ang BRP Tubbataha, BRP Malabrigo at BRP Batangas.
Sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo, lulan ng mga naturang barko ang contingencies tulad ng relief packages mula sa DSWD pati na ang operatiba ng PCG para tumulong sa operational security na ipinatutupad ng Armed Forces of the Philippines.
Nakaalerto na rin aniya ang mga tauhan ng iba’t ibang Coast Guard Districts sa buong bansa lalo na sa Mindanao.
Samantala, hindi naman pinakuhanan ni Balilo ng footages ang mga barko at kanilang mga tauhan na sasalang sa operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.