Inako ng Islamic State group ang nangyaring pagsabog sa concert ng pop singer na si Ariana Grande sa Manchester sa United Kingdom kahapon.
Matatandaang umabot na sa 22 ang nasawi, habang nasa 60 naman ang nasugatan dahil sa suicide bombing na naganap habang patapos na ang concert sa Manchester Arena.
Inilabas ng grupo ang pahayag sa kanilang mga social media channels, at sinabing isa sa kanilang mga sundalo ang naglagay ng bomba sa lugar.
Samantala, kinilala na ng Greater Manchester Police ang suspek na si Salman Abedi, 22-taong gulang.
Ayon sa isang European intelligence official, si Abedi ay isang British citizen na may lahing Libyan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na aniya ang kapatid ng nasabing suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.