3 patay sa panig ng gobyerno sa Marawi

By Kabie Aenlle May 24, 2017 - 03:18 AM

 

Marawi1MOSCOW-Kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na tatlo na ang nasawi sa panig ng pamahalaan sa pag-atake ng Islamic State-inspired group na Maute group sa Marawi City.

Sa security briefing na isinagawa ng mga kalihim, sinabi ni Lorenzana na kasalukuyang nakararanas ng blackout ang buong Marawi ngayon.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa ngayon kasi aniya ay mga nakakalat nang snipers ng pamahalaan, kaya kung magpapakalat-kalat ang mga sibilyan ay baka mapagkamalan silang kalaban.

Kinumpirma rin ni Lorenzana na mayroon ngang mga pasilidad na sinunog ang teroristang grupo, at may ilang mga kabahayan ang nadamay sa sunog.

Nagdagdag na rin ng mga tropa ng gobyerno sa Marawi.

Malakas naman ang pananalig at tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na kontrolado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon sa naturang lugar.

Bagaman batid aniya nilang may kakayanan talaga ang Maute Group o ISIS na makapanggulo, tiniyak niyang kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.