Concert sa Pinas ni Ariana Grande tututukan ng PNP

By Chona Yu, Den Macaranas May 23, 2017 - 04:38 PM

Dionardo-CarlosNakahanda ang Philippine National Police (PNP) na maglatag ng security plan kaugnay sa nakatandang concert sa bansa sa buwan ng Agosto ng international artist na si Ariana Grande.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni PNP Spokesman CSupt. Dionardo Carlos na sanay na ang kanilang pwersa sa pagbibigay ng VIP security at sa mga international events tulad ng mga concerts.

Ang importante ayon sa opisyal ay makipag-ugnayan sa kanila ang mag organizers ng concert para sa security measures na kanilang gagawin.

May kaugnayan pa rin ito sa naganap na pambobomba kanina sa Manchester Arena sa England habang nagdaraos ng kanyang concert tourt si Grande.

Umabot na sa 22 ang kumpirmadong patay sa nasabing terror act samantalang mahigit naman sa 50 ang mga sugatan.

Sa kasalukuyan, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na wala silang namomonitor nab anta kaugnay sa August concert ni Grande dito sa Pilipinas.

TAGS: Ariana Grande, august, Carlos, PNP, Ariana Grande, august, Carlos, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.