Signature campaign para palayain si De Lima inilunsad

By Jan Escosio May 23, 2017 - 03:47 PM

De Lima grimNagsanib puwersa ang iba’t ibang grupo na sumusuporta kay Sen. Leila De Lima para sa paglulunsad ng isang signature campaign na humihiling sa agarang pagpapalaya sa mambabatas.

Bukod dito, bahagi ng kampanya na pinangunahan ng Free Leila Movement ang pagkondena sa mga gawa- gawang kaso laban kay De Lima.

Sinabi ni Regina Mabalatan na isa sa mga co-convenor ng grupo na nanawagan din sila sa Korte Suprema na desisyunan ang apela ni De lima na ibasura ang mga kaso base sa merito ng argumento at hindi sa simpleng teknikalidad lamang.

Iginiit pa ni Mabalatan na depektibo rin ang mga pahayag nina Justice Sec. Vitaliano Aguirre II at Solicitor General Jose Calida ukol sa mga testimoniya at dokumento  sa illegal drug trade case na isinampa laban sa senadora.

Binanggit din nito ang pagsasagawa nila ng serye ng mga konsyerto na tinawag nilang “Tumba o Preso” para makapangalap ng pondo na ipangtutulong sa mga biktima ng war on drugs ng gobyernong Duterte.

TAGS: Camp Crame, de lima, drugs, PNP, Camp Crame, de lima, drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.