Mas malalim na imbestigasyon hiniling ng dating pinuno ng MRT sa Senado

By Ricky Brozas May 23, 2017 - 03:41 PM

Al-Vitangcol-2
Inquirer file photo

Nakadepende sa istilo ng pagtatanong ni Senador Grace Poe ang pagpapalabas ng katotohanan sa kung sino ang dapat papanagutin sa palpak na operasyon ng sa MRT 3.

Sinabi ni dating MRT 3 General Manger Al Vitangcol na hindi lamang dapat tumuon ang pagtatanong sa kontrata.

Kumplikado ang pinag-ugatan ng problema kaya mahalaga na matunton at mabalikan ang pinagsimulan ng mga pangyayari upang matutukoy kung sino ang may pagkukulang sa palpak na pagpapatakbo sa pangunahing mass transport sa bansa.

Kailangan aniya na ipakita ni Poe na competent siya na himayin ang isyu upang mabura ang hinala ng publiko na may nais siyang pagtakpan sa binuksan niyang imbestigasyon sa MRT 3.

Nauna nang sumalanga sa imbestigasyon ang mag dating amo ni Vitangcol sa pangunguna ni dating Transportation Sec. Jun Abaya kung saan ay nanindigan ito na walang mali sa kanilang mga ipinatupad na pamamahala sa MRT.

Sa kanyang mga naunang pahayag ay sinabi ni Vitangcol na handa siyang ilabas ang lahat ng kanyang mga nalalaman kung bakt nagkaroon ng kapabayaan sa nasabing rail system.

TAGS: MRT, poe, Senate, vitangcol, MRT, poe, Senate, vitangcol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.