May-ari ng puneraryang pinadalhan kay Jee Ick Joo sa Caloocan, pinaaaresto

By Len Montaño May 23, 2017 - 12:32 PM

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Pinapaaresto ng hukom sa Pampanga ang may-ari ng punerarya sa Caloocan City kung saan prinroseso ang mga labi ng dinukot na South Korean na negosyante na si Jee Ick Joo.

Naglabas ng arrest warrant si Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58 noong May 19 para kay Gerardo Gregorio Santiago na may-ari ng Gream Funeral Services Inc., dahil sa alegasyon na naging kasabwat ito sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Nasa isang daang libong piso ang itinakdang piyansa ng korte.

Sinasabing pinatay sa sakal si Jee sa loob ng SUV nito na nakaparada sa loob ng PNP Headquarters sa Camp Crame.

Unang dinala ang mga labi ni Jee sa punerarya ni Santiago saka ito prinroseso para sa cremation sa St. Nathaniel Crematory Services.

Sa imbestigasyon ng NBI, tinawagan si Santiago ng akusado sa kasong si SPO3 Ricky Sta. Isabel para i-dispose ang bangkay ng dayuhan kapalit ng 30,000 pesos at golf set.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.