Dahil sa one-year ban ng pagsasampa ng impeachment complaint laban sa pangulo, tiniyak ng mga oposisyon sa Kamara na maghahain ulit sila sa susunod na taon.
Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, maari silang magsampa ulit ng kaso upang mapanagot si Pangulong Duterte sa kaniyang mga maling gawain.
Ani Villarin, mahalaga ang paghihintay sa tamang timing, at mas pagpupursigehan nila ang susunod na pagkakataong kanilang makukuha, kung saan madadagdagan pa ang grounds.
Matatandaang unanimous ang nagibng pag-apruba ng House committee on jusitce sa report na nagbabasura sa impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.