Duterte lumipad na patungong Russia

By Den Macaranas May 22, 2017 - 04:55 PM

Duterte Peru2Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga para sa kanya ang gagawing pagbisita sa bansang Russia.

Sa kanyang pre-departure speech sa Davao City International Airport, sinabi ng pangulo na maraming mga areas of cooperation ang mas dapat na patatagin sa pagitan ng Russia at Pilipinas.

Partikular na dito ang pagpapalakas sa bilateral trade sa dalawang bansa bagay na hindi ginawa ng ilang mga nakalipas na lider ng bansa dahil sa pagsandal sa U.S.

Sa Moscow ay makakapulong ng pangulo si Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitri Medvedev.

Haharap rin ang pangulo at ang kanyang delagado sa ilang mga Russian business leaders at sa Filipino community doon.

Bukod sa maraming mga negosyanteng Pinoy, kasama rin sa delegado ng pangulo sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating Senate President Manny Villar, Sec. Salvador Panelo, Sec. Martin Andanar, dating Speaker Sonny Belmonte, SSS Chairman Amado Valdez at Cong. Harry Roque.

Kasama rin sa byahe sina dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at PCO Asec. Mocha Uson.

Nauna nang sinabi ng pangulo na balak din niyang bumili ng mga modernong military hardware sa Russia tulad na lamang ng mga sophisticated ground-to-air missiles at iba pang mga baril para sa Armed Forces of the Philippines./

TAGS: duterte, Putin, Russia, working visit, duterte, Putin, Russia, working visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.