Magdalo Group aminadong hindi pa handa ang reklamo kay Duterte sa ICC

By Chona Yu May 22, 2017 - 04:06 PM

Alejano
Inquirer photo

Aminado si Magdalo Congressman Gary Alejano na hindi pa naihahanda ng grupong Magdalo ang reklamong isasampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Sa ambush interview kay Alejano matapos ang pagbisita kay Sen. Leila De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, sinabi nito na hindi rin pa napagkakasunduan ng Magdalo kung itutuloy o hindi ang paghahain ng reklamo sa ICC.

Matatandaang matapos ibasura ng Kamara ang kanyang inihaing impeachment complaint laban sa pangulo ay sinabi ni Alejano na iaakyat niya ang reklamo sa ICC.

Naging ground ni Alejano sa reklamo ang umano’y nagaganap na extrajudicial killings sa bansa kung saan may partisipasyon umano ang gobyerno.

Sakaling matuloy ang paghahain, kumpiyansa si Alejano na magiging patas ang ICC sa pagtrato sa kanyang reklamo laban sa pangulo.

TAGS: duterte, gary alejano, ICC, duterte, gary alejano, ICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.