3 binatilyo patay sa salpukan ng motor at truck sa Leyte
Patay ang tatlong teenager makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa bayan ng Kananga, Leyte.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina James Kenneth Costillos, 18-anyos, driver ng nabanggang motorcycle at mga pasaherong sina Ervin Albis, 19-anyos at Felipe Tapar, 18.
Nasawi ang mga biktima sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabaybay ang national highway sa Bgy. Libungao nang mag-overtake ito sa isang sasakyan.
Gayunman, minalas na sumalpok ito sa kasalubong na truck na minamaneho ni Benjie Jabiles, 21-anyos dahilan upang tumilapon ang mga ito.
Bagama’t nadala pa sa pagamutan ang mga biktima ay hindi na rin naisalba ng mga doktor ang buhay ng mga ito.
Inihahanda naman ang kasong reckless imprudence resulting in multpile homicide laban sa driver na si Jabilles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.