Sen. Gordon, bukas na muling imbestigahan ang PDAF scam

By Angellic Jordan May 21, 2017 - 02:35 PM

richard-gordonHanda si Senador Richard Gordon sa muling pagbubukas ng imbestigasyon kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam.

Bilang Senate Blue Ribbon Committee Chair, wala aniya siyang magagawa at ipagpapatuloy ang imbestigasyon kung may lumabas na bagong ebidensya ukol sa kaso.

Lumitaw ang posibilidad sa muling pagsasagwa ng imbestigasyon matapos mapawalang-sala ang tinaguriang Pork Barrel Scam mastermind na si Janet Lim-Napoles sa kasong serious illegal detention.

Maliban dito, ikinokonsidera rin na gawing state witness si Napoles kaugnay dito.

Oras na muling buksan ito, maaaring isama ang mga taong napabilang sa special audit report ng Commission on Audit.

Giit pa ni Gordon, naging “partisan” aniya ang ginawang imbestigasyon noong nakaraang administrasyon dahil mayroon aniyang nagsabi na may mga personalidad na binanggit si Napoles na hindi isinama dito.

Kamakailan, matatandaang inilipat ang Pork Barrel Scam queen sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos ibaba ang naging desisyon ng Court of Appeals.

TAGS: commission on audit, court of appeals, janet lim-napoles, PDAF Scam, Senador Richard Gordon, commission on audit, court of appeals, janet lim-napoles, PDAF Scam, Senador Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.