Pagpapatayo ng mga dagdag na kulungan ipinamamadali ng BJMP
Aabot sa 568 percent na over congested ang mga kulungan sa bansa.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Senior Inspector Xavier Solda, ang kulungan sa Biñas, Laguna ang may pinakamaraming preso.
Sa kasalukuyan, aabot sa 138,000 na bilanggo ang nakapiit sa 466 na kulungan sa bansa gayung nasa 20,500 lamang ang capacity ng mga ito.
Nangangahulugan ito na ang espasyo para sa isang tao ay inookupahan ng anim na preso.
Gayunman, sinabi ni Solda na inaaksyunan na ng pamahalaan ang problema sa siksikang mga bilangguan sa bansa.
Ayon kay Solda, aabot sa P1.7 Billion ang inilaang pondo ng pamahalaan ngayong taon para sa pagpapatayo ng mga karagdagang kulungan.
Pinaigting na rin aniya ng BJMP ang kanilang paralegal team para mapabilis ang pagproseso sa kaso ng mga bilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.