Pangulong Aquino, kumambyo; pag-iinspeksyon ng mga balikbayan box, ipinatigil sa BOC

August 24, 2015 - 09:40 PM

Inquirer.net file photo

Ipinahinto ni Pangulong Noynoy Aquino ang plano ng Bureau of Customs na pisikal na pag-iinspeksyon sa mga balikbayan boxes na manggagaling sa mga Pilipinong nasa abroad.

Sa mensahe ng Pangulo na binasa ni Finance Secretary Cesar Purisima, inatasan ng Pangulo ang BOC na magbuo ng mas konkretong protocol upang masawata ang paglaganap ng smuggling sa bansa.

Sa direktiba ng Pangulong Aquino, wala nang magiging random o ‘arbitrary’ inspection ng mga balikbayan box.

Lahat ng mga container na naglalaman ng balikbayan box ay idadaan sa X-ray at K-9 inspection at ang gastos para sa pagpapatupad nito ay hindi dapat manggaling sa bulsa ng mga OFW.

Sa oras lamang na may finding sa X-ray o K-9 inspection, dito na lamang ito idadaan sa physical inspection.

Kapag isinagawa ang physical inspection, kinakailangan na may kinatawan ng OWWA o di kaya ay representante ng isang OFW Association na sasaksi sa eksaminasyon at kinakailangang may CCTV recording habang ginagawa ito.

Kaninang umaga, sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Aquino na dapat hayaan muna ng publiko na gawin ng Bureau of Customs ang tungkulin nito sa isyu ng pag-iinspeksyon ng mga balikbayan boxes upang masawata ang smuggling sa bansa./ Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.