Pamumutol ng puno ng minahan ng nickel sa Palawan, ipinatigil na ni Cimatu

By Kabie Aenlle May 20, 2017 - 04:46 AM

brooke's pointIpinagutos na ni Environment Sec. Roy Cimatu ang pagpapahinto sa pagpuputol ng Ipilan Nickel Corp. sa mga puno.

Ito’y matapos ang isinagawang inspeksyon sa mining tenement ng kumpanya.

Binalaan rin ni Cimatu ang kumpaya na harapin ang mga kasong inaasahan nang isasampa laban sa kanila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Cimatu, personal niyang nakita ang kinahinatnan ng walang habas na pamumutol ng puno ng INC sa bahagi ng Brooke’s Point sa Palawan, at wala na aniya talagang natirang puno doon.

Kinansela na rin ni Natividad Bernardino, DENR director ng MIMAROPA, ang tree cutting permit na una nang ibiniyga sa INC.

Sinita ng mga opisyal ng DENR sa isang konsultasyon ang mga kinatawan ng kumpanya, na sinuway nila ang kanilang environmental compliance certificate (ECC).

Dumipensa naman ang INC at iginiit na ang kanilang ginawa ay kanilang ECC dahil nakabinbin pa naman ang pag-apela nila dito.

Nilinaw naman ni Mining Geosciences Bureau Director Ronald de Jesus sa dayalogo na nagpadala ng liham sa kanila ang gobyerno, kung saan nakasaad na hindi maaring gumawa ng anumang aktibidad ang INC dahil suspendito ang kanilang ECC.

Babala pa ni Cimatu, walang makakalusot sa batas at dapat panagutan ng kumpanya ang kapalit ng kanilang mga ginawa.

Nahaharap ngayon sa kanselasyon ng kanilang permit ang INC, kabilang na ang Strategic Environmental Plan clearance na hiniling ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.