Panghuhuli sa lalabag sa nationwide smoking ban trabaho din ng PNP

By Chona Yu May 19, 2017 - 05:35 PM

A man holds a cigarette as he smokes in his house in Manila on May 29, 2011. Authorities in the Philippine capital Manila have announced a drive to strictly enforce a smoking ban in public places across the sprawling metropolis. The Metropolitan Manila Development Authority said that from May 30, 2011 it would deploy policemen and specially trained enforcers across the city of 12 million people to round up violators. AFP PHOTO/NOEL CELIS
AFP PHOTO/NOEL CELIS

Bibigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na manghuli sa mga lalabag sa nationwide smoking ban.

Base sa Executive Order Number 26 na nilagdaan ng pangulo, mahipit na ipinagbabawal ang paninigailyo o sa mga pampublikong lugar at mga enclosed places.

Saklaw din sa dagdag responsibilidad ng mga pulis ang tutukan ang mga establisyemento at mga retailer o mas kilala na takatak boys na magbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.

Bukod sa pulisya, binibigyang direktiba din ang Task Force Smoke Free ng bawat munisipalidad at siyudad na ipatupad ang nabanggit na EO.

Batay sa probisyon ng Republic Act 9211, multang limang libong piso o pagkakulong ng hindi hihigit sa 30 araw ang magiging kaparusahan sa sinumang lalabag sa nilagdaang executive order na ipatutupad sa buong bansa.

TAGS: doh, duterte, Executive Order Number 26, nationwide smoking ban, PNP, doh, duterte, Executive Order Number 26, nationwide smoking ban, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.