Limang Koreano, arestado sa illegal online game sa Pasig City

By Erwin Aguilon May 19, 2017 - 12:44 PM

PASIG KOREANOInaresto ng mga tauhan ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation ang limang Korean national dahil sa online illegal gambling sa Valle Verde, Pasig City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim at Moon Kyu Kang na naaktuhang gumagawa ng iligal.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, ang mga ito ay inaresto sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte para sa paglabag sa kasong illegal gambling at Anti-Cyber Crime Prevention Act of 2012.

Ang mga ito anya ay namamahala ng we page para sa online sports betting, sports toto at online casino.

Ginagamit din aniya ng mga suspek ang nasabing modus para makapagsagawa ng money laundering.

Itinago aniya ng mga ito ang kanilang iligal na gawain sa pamamagitan ng pagtira sa isang exclusive subdivision.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.