‘Walang pinoy na nasugatan sa aksidente sa Times Square’ -DFA

By Len Montaño May 19, 2017 - 12:25 PM

TIMES SQAUREWalang Pilipino na nasugatan o nadamay sa pag-araro ng isang kotse sa New York Times Square na sikat na tourist destination sa Manhattan.

Isa ang namatay at mahigit dalawampu ang nasugatan sa insidente na hindi itinuturing na terorismo ng mga otoridad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang impormasyon na walang kasamang Pinoy sa insidente ay mula sa Consulate General ng bansa sa New York.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan ang consulate general sa mga otoridad sa New York at handa itong tumulong sakaling may naapektuhang Pinoy.

Ayon sa ulat, inararo ng isang Honda sedan ang mga pedestrian sa sidewalk saka ito tumama sa poste sa kanto ng 45th Street at Broadway.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.