Año, uupo na bilang kalihim ng DILG sa susunod na buwan

By Rohanisa Abbas May 19, 2017 - 12:23 PM

Photo by: Ruel Perez
Photo by: Ruel Perez

Uupo na bilang bagong kaligim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Armed Forces of the Philippines chief of staff Eduardo Año sa susunod na buwan.

Sa kanyang talumpati sa pagsasara ng Balikatan Excercises, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isagawa ang turnover ceremony sa AFP sa June 2.

Ayon kay Lorenzana, hiniling niya kay Duterte na palawigin pa ang serbisyo ni Año sa militar ngunit hindi ito pinagbigyan ng Pangulo.

Si Año ay nakatakdang magretiro sa AFP sa Oktubre, ngunit napaaga ito.

Binati naman ni Lorenzana si Año sa kanyang pamumuno sa hukbo.

Samantala, umuugong naman ang bali-balita sa militar na si Lt. Gen. Eduardo Guerrero ng Eastern Mindanao Command ang posibleng pumalit sa pwestong iiwan ni Año.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.