Panibagong tigil-pasada, ikinasa ng isang jeepney group

By Mariel Cruz May 19, 2017 - 12:19 PM

JeepneyPinaghahandaan ng militanteng transport group na PISTON ang paglulunsad ng panibagong tigil-pasada sa May 22 bilang pagtutol sa planong jeepney phaseout program ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon sa grupong PISTON, hindi sila sigurado na hindi ipatutupad ng DOTr at LTFRB ang pag-phaseout sa mga lumang jeepney.

Nabatid na aabot sa isanlibong miyembro ng PISTON ang lalahok sa protest caravan na posibleng isagawa sa Cubao sa Quezon City bago magtungo sa central officer ng LTFRB.

Sinabi ng grupo na walang katotohanan ang pahayag ng LTFRB dahil mayroong plano na bayaran ang mga operator para sa modernization program.

Una nang tiniyak ni LTFRB chairman Atty. Martin Delgra sa mga transport group na walang magaganap na phaseout sa mga lumang jeepney.

Pero iginiit ng PISTON na sinabi sa kanila ni Delgra na hindi maglalabas ang pondo ang gobyerno na makatutulong sana sa mga driver at operator na maaapektuhan ng phaseout program.

Sa halip, tutulungan lang anila ang mga ito na maibenta ang kanilang mga lumang jeepney.

Sa ngayon wala pang komento ang LTFRB sa naturang alegasyon ng PISTON.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.