Gina Lopez, sinisi sa mga naantalang proyekto ng DENR
Maraming proyekto ang hindi matuloy-tuloy dahil sa kautusang inilabas ni Gina Lopez noong siya pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Ito ang idinulog na problema ni Environmental Management Bureau-Western Visayas director Ariel Gloria kay DENR Sec. Roy Cimatu.
Nagdulot kasi ng pagkaantala sa konstruksyon ang utos niyang ipadaan sa kaniyang opisina ang lahat ng mga Environmental Compliance Certificates.
Kabilang sa mga naantalang proyekto ay samu’t saring mga gusali, restaurants, gasolinahan at maging mga proyekto ng gobyerno tulad ng mga pabahay sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.
Ayon kay Gloria, dahil dito, lahat ng mga applications sa Region 6 ay nanatiling pending, at maraming malalaking industriya na ang nagtatanong kung bakit naipit ang kanilang ECC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.