Rekonsiderasyon sa pagtanggi sa EU grant, hihilingin ng NEDA kay Duterte

By Jay Dones May 19, 2017 - 03:40 AM

 

Ernesto-Pernia-0824-620x349Hihilingin ni National Economic Development Authority Secretary Ernesto Pernia kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera nito ang pagbasura sa tulong na magmumula sa European Union (EU).

Ito’y matapos na sabihin ng pamahalaan na hindi na ito tatanggap ng ayuda mula sa 28-country regional bloc.

Paliwanag ni Pernia, dapat na masusing talakayin muna ang naturang usapin.

Hindi rin aniya natalakay ang isyu sa mga nakaraang Cabinet meeting.

“We have to parse this carefully because you know our President has a style of doing something and then taking it back later. It’s some kind of a tactic,” paliwanag pa ni Pernia.

Sa kanyang pagkakaalala aniya, ginawa ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabing hindi na ito tatanggap ng ‘grant’ mula sa EU bago pa man nagpunta ang grupo nina senador Alan Peter Cayetano sa Geneva.

Gayunman, naniniwala si Pernia na kahit wala ang tulong mula sa EU ay maari namang makakuha ng ‘grant’ ang Pilipinas mula sa ibang mga bansa tulad ng China, Japan at mga ASEAN countries.
Tinatayang aabot sa 250-milyong euro ng halaga ng mga aid o ayuda ang nakalaan sana sa Pilipinas bilang tulong mula sa EU.

Karamihan sa mga mabibiyayaan sana ng aid ay mga residente ng Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.