Malakanyang hindi nababahala sa pagbagal ng GDP

By Chona Yu May 19, 2017 - 04:25 AM

makati-buildingsNasa tamang landas ang tinatahak ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang ginawang pagtitiyak ng Palasyo ng Malakanyang sa kabila ng pagbagal ng paglago ng Gross Domestic Product o GDP sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy ang pagdagsa sa Pilipinas ng mga mamumuhunan na handang maglagak ng negosyo.

Sinabi pa ni Abella na maaring nasa ibang perspektibo lamang ang nagsasabi na bumagal ang paglago ng GDP.

Nabatid na pumalo lamang sa 6.4 percent ang paglago ng GDP sa unang quarter ng taong 2017, pinakamababa mula sa 6.3 percent na naitala sa fourth quarter noong 2015.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.