Malacañang nanindigan na hindi na tatanggap ng tulong mula sa EU

By Chona Yu May 18, 2017 - 04:50 PM

Abella3Ipinagyabang ng Palasyo ng Malacañang na kayang tumayo ng Pilipinas sa sariling mga paa kahit na walang ayuda mula sa European Union.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, marami pa namang pagkukuhanan ng pondo ang bansa.

Paliwanag ni Abella, malaki ang iginanda ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patunay aniya dito ang mga achievements ni Duterte nitong mga nakalipas na buwan kung saan marami itong naiuwing negosyo mula sa mga biyahe nito sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Abella, ang mahalaga ay dapat magkaroon ng tiwala ang mamamayan na kayang tumayo ng Pilipinas at hindi na tumanggap ng limos mula sa ibang bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kailangan ang tulong ng E.U lalo’t kung ang magiging kapalit nito ay ang pakikialam nila sa panloob na polisiya ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni European Union Ambassdador to the Philippines Franz Jessen na hindi na sila magbibigay ng $278 Million grant sa bansa makaraang tumanggap ng tulong mula sa China ang Pilipinas.

TAGS: abella, duterte, European Union, grant, jessen, abella, duterte, European Union, grant, jessen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.