Ex-PNoy gustong pagpaliwanagin sa pagtirik ng mga tren ng MRT.

By Den Macaranas May 18, 2017 - 03:33 PM

Aquino Times1Gusto ng isang militanteng kongresista na paharapin sa isang congressional inquiry si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa dinaranas na problema ngayon sa operasyon ng MRT 3.

Sinabi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na bukod kay Aquino ay dapat ring pagpaliwanagin si dating Transportation Sec. Mar Roxas kaugnay sa kanyang mga nalalaman sa pagbili ng mga hindi naman nagagamit na bagon ng tren.

Mahigit umano sa P3 Billion ang nalugi sa pamahalaan dahil sa mga train coaches na hanggang ngayon ay hindi naman nagagamit dahil sa problema sa signaling system ng mga ito.

Sa nakalipas na pagdinig sa Senado, sinabi ni Casilao na halatang may pinagta-takpan si dating Transportation Sec. Jun Abaya lalo’t sila ang kumuha ng mga kontratista para sa iba’t ibang mga transaksyon sa MRT 3 operations.

Hindi umano maitatago ang mga kapalpakan na kanilang ginawa lalo’t nagiging madalas ang aberya ng mag tren ng MRT na nagpapahirap sa mga pasahero nito.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat managot ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng araw-araw na pahirap na dinaranas ng mga pasahero ng MRT 3.

TAGS: Abaya, ANAKPAWIS, Aquino, casilao, MRT, roxas, Abaya, ANAKPAWIS, Aquino, casilao, MRT, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.