Paglalagay ng military hardware ng China sa WPS hindi palalampasin ng Pilipinas
By Chona Yu May 18, 2017 - 03:25 PM
Gaganapin ang pagpupulong bukas ng dalawang bansa sa Guiyang City sa Guizhou Province.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na siguradong tatawagin ng pansin ng Pilipinas ang ginagawang panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa.
Sa kabila ng pagpalag ng Pilipinas sa mga ginagawa ng China, tiniyak naman ni Abella na nananatiling maganda ang relasyon ng dalawang bansa.
Katunayan, ayon kay Abella, hindi naman apektado ang mga ayudang ipinaabot ng China sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.