Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 1st quarter ng 2017
Lumago ng 6.4 percent ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2017.
Ito ay sa gitna ng pagbangon ng sektor ng agrikultura, malakas na kalakalan at pag-unlad ng manufacturing industry gayundin ang malakas na domestic demand.
Pero ang figure ay mababa sa nakalipas na forecast o target na economic growth ng mga economic managers na nasa pagitan ng 6.9 at 7 percent.
Mabagal ang first quarter Gross Domestic Product growth kumpara sa 6.6 percent na paglago ng GDP sa huling kwarter ng nakaraang taon.
Mas mabagal din ito sa 6.9 percent na paglago ng ekonomiya na naitala sa unang bahagi ng 2016 kung kailan sumipa ang ekonomiya ng bansa dahil sa gastos na may kinalaman sa nakaraang eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.