Emergency power, hindi ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso

By Chona Yu May 16, 2017 - 08:57 PM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Hindi pipipilitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na pagkalooban siya ng emergency power para tugunan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa pangulo, naiintindihan niya ang pangamba ng mga miyembro sa Kongreso dahil kapag ibinigay sa kanya ang emergency powers, hindi na kailangan ng bidding process para sa mga programa.

Pero pagtitiyak ng pangulo, walang magaganap na korapsyon kahit na walang bidding.

Umaasa ang pangulo na kung bibigyan siya ng emergency power, mapapadali ang pagresolba sa naturang problema.

TAGS: emergency power, Metro Manila, Rodrigo Duterte, emergency power, Metro Manila, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.