Pagkuha ng Pilipinas ng armas sa China, walang problema ayon sa palasyo

By Chona Yu May 15, 2017 - 09:48 PM

Delfin LorenzanaWalang nakikitang mali ang palasyo ng Malakanyang sa pagkuha ng armas at equipment sa China na gagamitin para sa security forces ng bansa. Ito ay kahit na patuloy ang gitgitan ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat ihiwalay ang usapin sa isyu ng territorial dispute sa ibang mga transaksiyon na ginagawa ng Pilipinas sa China.

Ibinahagi ni Lorenzana na nitong Disyembre ay nag-alok ang China ng 14 millions dollars na halaga ng armas at equipment.

Iginiit naman ng Defense Secretary na magiging compatible ito sa equipment na mayroon ang Pilipinas dahil gumagawa ang China ng mga armas na pasok sa standard ng Napto agreement.

Bago matapos ang taon inaasahan na maidi-deliver na ng China sa Pilipinas ang nasa apat na fast boats, 200 sniper rifles at ilang daang rocket propelled grenade with ammunitions.

Kasama si Lorenzana sa delegasyon ng pangulo na dumadalo ngayon sa One Belt One Road Forum sa Beijing.

TAGS: China, Delfin Lorenzana, Malakanyang, China, Delfin Lorenzana, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.