Limang traffic enforcer ng Maynila, positibo sa iligal na droga
Limang traffic enforcer ng Maynila ang sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa paggamit ng droga.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, matapos ang isinagawang surprise drug test, napatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang limang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau.
Kabilang sa mga sinibak ay sina Rommel Santos, Randy Luangco, Marcelo Tinao, John Lennon Dalisay at Enrico Dalisay.
Ang lima ay kabilang sa 240 traffic enforcer na sumailalim sa surprise drug test noong April 24.
Napatunayan sa isinagawang confirmatory test ng Department of Health na gumagamit nga ng droga ang lima.
Sinabi ni Erap na seryoso ang pamahalaan sa paggawa ng kanyang tungkulin kaya walang puwang ang mga drug addict.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.