2 sundalo, sugatan sa pag-atake ng NPA sa Laguna

By Len Montaño May 15, 2017 - 03:50 PM

MAJAYJAY LAGUNASugatan ang dalawang sundalo ng Philippine Army matapos atakehin ng rebeldeng NPA ang military detachment sa Majayjay, Laguna.

Sa report mula sa Laguna Provincial Police at 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, naganap ang pag-atake ng mga komunistang rebelde linggo ng hapon sa Barangay Piit.

Ayon kay Majayjay Mayor Carlo Clado, wala namang namatay sa pag-atake pero binalaan nito ang publiko na lumayo sa lugar ng bakbakan at maging alerto lalo na ang mga nasa kalapit na bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon na ngayon ay nagdiriwang ng Pahiyas festival.

Dagdag ng alkalde, balik normal na ang sitwasyon sa kanilang bayan pero nakaalerto pa rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa lugar.

Posible aniyang target ng NPA ang kumpanyang Majayjay Hydropwer Inc., dahil sa pagtanggi nitong magbigay ng revolutionary taxes.

Wala namang inilabas na pagkakilanlan ng nasugatan mga sundalo at kung ilan ang eksaktong bilang ng mga rebeldeng umatake.

Naglagay naman ng mga checkpoint sa naturang mga lugar sa gitna ng pagtugis ng otoridad sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.