Sinimulan na ang paglulunsad sa Brigada Eskwela para sa school year 2017-2018.
Isinagawa ang pormal na paglulunsad kaninang alas otso ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City.
Bandang 6:30 ng umaga nang umalis sa Quirino Grandstand sa Maynila ang motorcade para sa Brigada Eskwela, na dumaan sa North EDSA at Potrero, Malabon.
Ang Brigada Eskwela ay taunang programa ng Department of Education kung saannagtutulungan ang mga guro, estudyante at magulang na maihanda ang mga classroom sa public schools para magamit sa darating na school year.
Bukod dito, sinusuri din ang mga classroom at school buildings para matiyak na matibay ito lalo na sa mga lindol na tatama sa bansa.
Bahagi din ng programa ang pagsasailalim sa mga guro sa isang training ukol sa disaster preparedness.
Tatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa Biyernes, May 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.