Makalipas ang sunud-sunod na rollback, nakaumang naman ngayon ang dagdag-presyo sa gasolina.
Batay sa oil industry, tinatayang nasa 25 hanggang 30 centavos ang price increase sa kada litro gasolina, habang wala namang paggalaw sa halaga ng diesel at kerosene.
Sa kasalukuyan, wala pang anunsyo mula sa mga kumpanya ng langis hinggil sa naturang price hike sa gasolina.
Matatandaan na ilang linggong nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng price rollback dahil sa pagbaba ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.