Angara, inhain ang ‘First 1000 Days’ bill para sa mga ina at mga anak nito

By Rod Lagusad May 13, 2017 - 04:41 PM

Sonny AngaraInihain ni Sen. Sonny Angara ang isang panukalang layong bigyan ng angkop na health care ang mga ina at kanilang mga anak sa unang 1,000 araw.

Nakasaad sa Senate Bill No. 136, na dapat magbenipisyo ang mga ina at mga anak nito na mula sa isang komprehensibong health care program mula sa siyam na buwan na pagbubuntis hanggang sa unang dalawang taon ng bato.

Kaunay nito, sa Section 3 ng naturang panukalang batas ang pagbuo ng “First 1000 Days Program” sa bawat barangay.

Magiging katuwang dito ang Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng National Nutrition Council and Food at Nutrition Research Institute.

Ayon kay Angara ang naturang programa ay siya bubuo at magpapatupad ng praktikal at komprehensibong health care plan para sa mga buntis at mga nagbe-breastfeed kabilang na sa kalusugan at nutrisyon ng lanilang mga anak sa loob ng 1,000 araw.

Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng mga bakuna at nutritional supplements para sa mga bata mula sa Department of Health (DOH), mga chekc up, pre-natal at ante-natal counselling mula sa local government unit at ang pagkakaroon ng public information drive sa breastfeeding at tamang hygiene sa mga eskwelahan at mga barangay health centers.

Layon ng programa na sigurihin ang nutrisyon ng mga buntis at mga batang babae na nasa adolescent age, pagpapabuti ng mga pamamaraan ng breastfeeding, ang maayos na pamamaraan ng pagpapakain at pagkakaroon ng proteksyon laban sa undernutrition at sakit at pagpapabuti ng pagkain ng mga bata na may sakit at undernourished.

TAGS: breastfeed, child, doh, mother, sonny angara, breastfeed, child, doh, mother, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.