Ilang araw matapos na mag-take over sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagsulputan na ang impostor ni Secretary Roy Cimatu.
Nagbabala si Cimatu sa publiko na huwag patulan ang mga tao na nagpapakilalang siya o kinatawan niya at nangongolekta ng pera para mapaboran ng kalihim.
Istilo umano ng mga manloloko ay manghihingi ng pera kapalit ng tiyak na pag-apruba sa mga transaksyon nito sa DENR.
Kaugnay nito, hinikayat ni Cimatu ang publiko na isumbong ang mga katulad na aktibidad sa hotline ng DENR na 336 o sa mobile no. na 0917-868-3367 at 0917-885-3367.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.