LTFRB, hindi pinayagan ang operasyon ng “Uber Moto”
Hindi pinayagan ng Land Transporation Franchising and regulatory Board ang operasyon ng “Uber Moto.”
Ang “Uber Moto” ay bagong serbisyo ng online transport service na Uber na maihahalintulad sa nauusong habal-habal.
Katwiran ng LTFRB, walang pasabi sa kanila ang Uber kaugnay ng nasabing serbisyo na nakita lang daw nilang ina-advertise sa mga pahayagan.
Bukod dito, naniniwala ang board na hindi dapat ituloy ang ganitong serbisyo dahil mapanganib para sa mga mananakay.
Ang Uber Moto ay ilulunsad sana ng Uber sa Cebu sa Mayo akinse.
Maging ang isa pang Uber service na UBER XL ay hinarang ng LTFB sa kawalan din umano ng abiso sa kanilang tanggapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.