Bilang ng nagpositibo sa HIV sa Palawan, pumalo na sa 100

By Erwin Aguilon May 12, 2017 - 09:26 PM

hivUmakyat sa isandaan ang nagpositibo sa sakit na human immunodeficiency virus o HIV sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay DOH-MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo Janairo, ang nasabing bilang ay mula nang itatag ang Ospital ng Palawan (ONP) Red Top Center mula noong May 11, 2015.

Limampung porsiyento (50 %) ng mga HIV infected patients ay nagkakaedad nang 25 hanggang 40, 40 percent naman ay mula 15 hanggang 24 habang 10 porsiyento ay may edad na 41 pataas.

Sa record ng ONP – Red Top Center, mula Enero 1 hanggang Abril 30, 2017, may 24 na bagong kaso kabilang dito ang isang buntis, habang ang 6 ay symptomatic.

Ang ONP-Red Top Center ang kauna-unahang HIV/AIDS ng DOH sa Region 4B (MIMAROPA o Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) kung saan sinuman ay maaaring boluntaryong sumailalim sa HIV test sa loob ng 24 oras.

Niliwanag ni Dr. Janairo na ang pagtaas sa bilang ng mga nagkaroon ng HIV at hindi nangangahulugan na tumataas ang HIV cases sa lalawigan kundi nagkaroon na aniya ng kamalayan ang mamamayan doon sa nasabing sakit kaya boluntaryo na silang nagpapasuri.

“HIV still has no cure. No vaccine to prevent the spread of the virus. The only protection is through proper education about HIV and practicing safe sex. It is best to submit yourself for an HIV test to know your HIV status. Testing is free and confidential in all DOH accredited clinics nationwide,” paglilinaw pa ng health official.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.