Paghahain ng kasong libel vs Atong Ang, pinag-aaralan ni DOJ Sec. Aguirre

May 12, 2017 - 01:51 PM

Atong AngPinag-aaralan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang paghahain ng kasong libel laban sa gambling operatos na si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay matapos akusahan ni Ang ang kapatid ni Aguirre na sangkot sa operasyon ng small town lottery o STL.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre na nag-iipon na siya ng mga ebidensya laban kay Ang tulad ng mga voice clips at video footages ukol sa isyu bago siya tuluyan maghain ng reklamo.

“I believe na meron akong karapatan to file libel cases against him. Kinukuha ko lang po yung mga voice clip, mga video footage tungkol dito,” ani Aguirre.

Iginiit ni Aguirre na hindi sangkot ang kanyang kapatid na si Ogie Aguirre sa STL.

Kahit pa aniya idinamay ni Ang ang kanyang kapatid, hindi ito magiging dahilan para manahimik siya.

“Yung kapatid ko dinamay niya, akala niya mapapatahimik niya ako pag ginawa niya yun. Pero hindi po, alam ko naman na yung kapatid ko ay hindi po involve diyan,” dagdag pa ni Aguirre.

Sinabi pa ni Aguirre na kahit pa mag-operate ang kanyang kapatid ng STL ay hindi naman ito ilegal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.