Pagdami ng mga opisyal ng militar sa Duterte admin, ikinaalarma ng CPP

By Inquirer, Jay Dones May 12, 2017 - 04:23 AM

 

joma-sison 2Paliwanag ni Sison, mistulang may laman ang naging biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumpleto na ang mga bubuo ng isang military junta sa kanyang pagkakatalaga kay Año sa puwesto.

Ayon sa founder ng CPP at chief political consultant ng National Democratic Front, maaring ituring na banta ang naturang pahayag ng pangulo sa kapakanan ng mga Pilipino at sa usapang pangkapayapaan at maging kay Pangulong Duterte mismo.

Kasabay nito, pinayuhan rin ni Sison ang pangulo laban sa paglalagay ng mga military officers sa kanyang gabinete dahil sa posibilidad na ma-‘militarize’ ang administrasyon.

Tinawag rin na mga ‘peace spoilers’ ni Sison ang mga opisyal ng militar.

Si Sison ay dating propesor ni Pangulong Duterte sa kolehiyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.